converted... (insert high-pitched scream)
Saturday, August 29, 2009
this time yesterday.. naglalakbay na kami papunta sa venue... last time nakita ko ang sarili ko sa salamin, ang nasabi ko nalang ay "nawa". di pa rin ako makapaniwalang nagkacelebration ako.
"blurple" ang motif ng thingy... so ayun. surprisingly, di ako nagobject sa isusuot ko. siguro dahil "if you must submit yourself to torture, there is no lesser evil." or baka dahil hindi na rin ako masyadong apprehensive sa mga ganun. pero di ko lang siya natiis, naenjoy ko siya.

pagdating sa venue, aba, may dalawang guys na na andun. gulat naman daw ako. nang makita ako ng family friend namin na magreretouch sakin throughout the event, di niya daw type yung makeup ko, so off we went to the other side of the venue.. pagtingin ko uli sa salamin, gard, hindi na ako yun! kung hindi na ako yung before nun, mas lalong hindi ako yung pangalawa! binalikan ko sila.. dahil may dumating nang additional, pinapasok na sila.. kaso, habang may dumarating, tong mga friends ko, naging parang welcome committee, ayaw umupo! hahaii.. pagkarating ng mga "dansahs".. sa wakas, umupo na rin sila..

nang marami-rami na ang mga tao.. mejo "pinatago" uli ako. change costume. yung katakot na gown na. this is it. wala nang atrasan ito. umpisa na ng "torture". pumasok na kami.. wow. iba ang feeling ng di makatingin sa mga tao. haha, joke!

infairness, ambilis ng mga pangyayari. nagdasal, nagpicture taking, kumain(?). tas ang sabi, "ok, 5 mins sayaw na".. parang, wow naman.. penge naman po ng time para makakain ng matino.. unfortunately, wala na talaga. so labas muna. buti nalang talaga adik mga dansahs at mejo di ko naramdaman ang kaba. so yun, pumasok na kami. di pa rin ako makatingin sa mga tao, much less sa mga kasama ko. tas ayun, natapos namin. surprising, considering 3 times lang kami nagpraktis.XD

after nun, video presentation.. grabe, ngayon alam na nila mga pinaggagawa ko nung maliit pa ako.XD

nagpa"how well do you know..?" game ang cousins ko.. first two questions muna: favorite color, at fave hs subject"... multiple choice naman.. abcd. kagulat gulat, naubos yung choices sa parehong questions.. walang nakakuha.XD sabagay..

then, yung mejo pinakakinatatakutang part.. sinundo na ako ni papa sa stage.. tas ayun, sumayaw.. as in side to side lang.. haha... tas hala, roses na. homaygard.. isa-isa, nakasayaw ko sila... mostly, tumatawa lang kami at kung anu-ano ang pinag-uusapan. yung iba, talagang nang-asar lang.. grrr. joke! somewhere in between, kinilig ako. akala ko wala na, meron pa pala. jusmiyo. siyempre di naman pwedeng di ko sila tignan habang sumasayaw kami. mejo matagal ko na rin siyang di nakikita. pero ayun, natapos din yun.

treasures naman.XD naku, haha.. joke time ito.. halos sa mga nandito, classmates ng parents ko sa ME.. so ayun.. cool naman ang mga payo na binigay nila sakin.. nakakakunsensya. charos.XD

tas candles. halos family members naman ito. grabeng nakakatouch, kasi yung mga relatives namin from my dad's side, pumunta pa from cebu for the event, tapos bongga ang mga message ng lahat. dito rin napaiyak si mama. grabe, nakunsensya ako. seryoso na tong pagkakunsensya na toh..

grabe, napaisip ako, ano pa bang meron? wow.. malapit na ata matapos! nagrerejoice na ako sa ulo ko.XD

nagpa-game na naman ang cousins ko. last 3 questions.. fave song artist, fave song, fave movie. waw, mejo nakuha lahat. haha.. katuwa.. giveaway.XD kaya lang yung last question brother ko ang sumagot.. madaya. joke!

blowing of candles, cake cutting, toast.. mabilis lang lahat yun... tas nagpathank you ako. di ko na maalala sinabi ko, basta alam ko di ko pinaghandaan.XD dapat kakanta ako, kaso di ko alam ang dapat kantahin sa mga ganun, so hindi nalang ako kumanta.

after nun, party na! kaso kinailangan ko munang magpalit due to unexpected circumstances. so pagbalik ko, wala na yung iba. yung iba naman, nagpictorial.XD gusto ko sana sumali pero di nila ako niyaya. ouch diba. joke. napansin ko kasi yung mom ng former classmate ko sa labas na ang alam ko di makakapunta. chem midterms. so pinuntahan ko muna. nasa loob daw si classmate.. pagbalik ko, wow andun nga! (malamang diba.XD) grabe, di ko expect. tas yung iba naman, nagppeanut wars. hayy naku. hayy naku lang.XD

then, nagpaalam na ako sa kanila. may nag-abot ng rose. totoo na rose. mejo natawa ako sa isip ko kasi fake yung ginamit sa 18 roses at kasali rin siya dun. gulat ako siyempre, pero keri lang. o diba, bongga siya, siyang unang nagbigay sa akin. haha! sad to say, napagtripan ni family friend yung rosas at nilasog-lasog.. wala akong part nung rosas. sayang.

so nagparty mode muna kaming mga natira.. then nagpabukas ng ilang presents.. mejo, ahm, may bag na ako for every remaining day of the semester.. hahaha!

tas uwian na. ayun, natulog kami sa villa. natapos din. di ko inakala na ganun. di ko inakalang masasabi ko na masaya ako. di ko inakala na kakayanin kong magtransform ng ganun katagal. haha!

sana nga lang nakapunta lahat, pero keri lang.. di naman yun ang importante. ang importante nakasama at kasama ko pa rin lahat sa mga susunod na taon.

 
posted by blue at 9:39 PM | Permalink 0 comments